"Galing ako sa simbahan nang araw na ‘yun. Ang apo ko, naglalaro lang ng cellphone. Habang nakikipag-usap ako sa kapitbahay, napansin ko na lang na biglang tumirik ang mata niya! Nanigas ang kanyang kamay, pati ang bibig at dila! Sinubukan naming pisilin ang kamay niya, pero matigas talaga. Kahit anong gawin namin, hindi lumambot. Sobrang kinabahan ako!"
— Rosita, lola ng bata
READ ALSO: 74-Anyos na Lalaki, Nasawi Matapos Mabangga ng Motorsiklo
"Umaabot siya ng anim na oras sa isang araw sa paglalaro ng mobile games—minsan nga, buong araw niyang hawak ang cellphone. Madalas, pagkatapos niyang maglaro, sasabihin niya, ‘Masakit ang ulo at mata ko, Ma.’ Kaya minsan kinukuha na namin ang cellphone niya. Nang mangyari ito, agad kaming nagpatawag ng ambulansya, natakot kami sa posibleng mangyari!"
— Jeylonie, ina ng bata
READ ALSO: Bata sa Puerto Princesa, Palawan, Dumugo ang Mata Dahil Umano sa Labis na Paggamit ng Cellphone
Post a Comment