Isang insidente ng pananakit ang naganap sa Pasig City, kung saan isang 15-anyos na Grade 10 student ang pinilit lumuhod, sinampal, at sinuntok ng kanyang 16-anyos na kaeskuwela.
Nakuhanan ng video ang pangyayari at mabilis itong kumalat sa social media, na nagdulot ng matinding pag-aalala sa publiko.
Ayon sa ina ng biktima, nalaman lamang niya ang insidente matapos ipakita sa kanya ang video. Ayon naman sa kwento ng biktima, pinilit siyang umamin sa isang bagay habang umiiyak at humihingi ng tawad, at binalaan siyang muling sasaktan kung hindi siya aamin. Dagdag pa niya, hindi iyon ang unang beses na siya’y sinaktan ng parehong grupo; isang araw bago ang insidente, dalawa sa kanila ang nanakit din sa kanya.
READ ALSO: Ang Viral na Tindera ng Pagkain na si Neneng B Nilinaw ang Kahulugan sa Likod ng ‘Ma, Anong Ulam?’
Naghain na ng reklamo sa pulisya ang pamilya ng biktima, hindi matanggap ang parusang community service lamang na ipinataw sa mga sangkot.
Dahil sa trauma, halos ayaw nang lumabas ng bahay at pumasok sa paaralan ang biktima. Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Pasig Schools Division Office upang agarang tugunan ang insidente at tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
READ ALSO: Babae Tumalon sa Dagat Matapos Hindi Mabigyan ng Milk Tea ng Boyfriend
Post a Comment