Lovi Poe, ipinanganak na ang unang anak: “Welcome to the world, my love”

Ipinanganak na ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang kanyang unang anak sa asawang si Monty Blencowe. Sa kanyang Instagram post kamakailan, ibinahagi ni Lovi ang isang munting sulyap sa kanilang bagong silang na baby.

Hindi pa ibinubunyag ng aktres ang pangalan ng kanilang anak upang mapanatili itong malayo muna sa mata ng publiko. Sa ngayon, wala pang ibang detalye tungkol sa kanilang unang anak na inilalabas ng mag-asawa.

“The moment I met you, instinct took over. Welcome to the world, my love,” ayon sa caption ni Lovi.

Sa naturang post, makikita si Lovi na marahang pinapatulog ang kanyang baby habang sumasayaw sa loob ng kanilang bahay sa Estados Unidos. Maraming kaibigan at tagahanga ang nagulat ngunit labis na natuwa sa balitang ito.

“Can’t wait to meet the newest addition! Congrats,” sabi ng aktor na si Benjamin Alves.
“Nanganak pa siya nyan ha? Yung figure to die for eh!” biro ng isang fan.
“Congratulations babe!!!!! So happy for you and Monty,” dagdag naman ni Megan Young.

Noong Setyembre, ginulat din ni Lovi ang publiko nang ianunsyo niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang kampanya ng lokal na clothing brand.

Bukod sa pagdating ng kanilang anak, ipinagdiwang din nina Lovi at Monty ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa noong Agosto. Sa isang Instagram post, inilarawan ni Lovi kung gaano siya kasaya sa pagiging asawa ni Monty.

“2 years of joy, playful banter, and heartfelt truths. Happy anniversary, my love. You’re my favorite person to do nothing—and everything—with,” ayon sa kanya.


Nagpakasal sina Lovi at Monty sa isang civil wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Ilang linggo matapos iyon, sinundan nila ito ng isang romantikong kasal sa Cliveden House sa United Kingdom.

Post a Comment

Previous Post Next Post