Isang nakakagulat na eksena ang nakunan sa gitna ng matinding baha sa Purok Maryland, Talisay City, Cebu. Sa video na ibinahagi ni Rickamae Manlangit at inupload ng 91.5 Brigada News FM-Davao, makikita ang isang malaking bitin (python) na lumalangoy sa maputik na tubig habang tila naghahanap ng mabibiktima.
Ayon sa mga residente, naubos umano ang mga manok sa paligid matapos magwala ang ahas sa baha. Sa naturang video, maririnig pa ang boses ng isang lalaki na nagsasabing, “Wala na ang manok ron!” habang nakikitang sinasaban ng bitin ang isang natirang manok sa kulungan.
Dahil sa malakas na ulan at pagtaas ng tubig, napilitang lumikas ang ilang residente. Ang insidente ay nagsilbing paalala ng panganib na dala ng mga hayop na lumalabas sa kanilang mga lungga tuwing may matinding pagbaha.

Post a Comment