Cristine Reyes, blooming in love! Kinumpirma ang bagong relasyon kay Gio Tingson

 

Source: Cristinereyessss / FB

Kinumpirma ni Cristine Reyes na mayroon siyang bagong pag-ibig matapos mag-post ng ilang matatamis na larawan kasama ang kanyang boyfriend na si Gio Tingson. Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng aktres ang mga kuha nilang magkasama sa iba’t ibang okasyon nitong mga nakaraang buwan — mula sa simpleng paglabas, pagdiriwang ng kaarawan, hanggang sa pagdalo ng mga event.


Sa isang larawan, makikita si Cristine na suot ang T-shirt na nagpapakita ng suporta kay Imee Marcos, habang nakasuot naman si Gio ng T-shirt bilang suporta kay Bam Aquino. Isa pang larawan ang nagpapakita na kasama rin nila si Amara, ang anak ni Cristine sa dating asawa niyang si Ali Khatibi.



Kasama sa kanyang post ang maikling kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang kanilang koneksyon. Ayon sa kanya, unang nagkakilala sina Cristine at Gio noong bata pa sila sa isang “marriage booth” sa Ateneo de Manila University — si Gio ay nasa Grade 6 habang si Cristine ay Grade 5. Matapos ang maraming taon, muling nagtagpo ang kanilang landas at nauwi sa isang matatag na relasyon.

Ayon sa ulat, si Gio Tingson ay kasalukuyang namumuno sa Public Affairs and Government Relations ng Grab. Nagsilbi rin siya bilang chairperson ng National Youth Commission mula 2014 hanggang 2016 at naging bahagi ng mga proyekto ni Senator Bam Aquino at ng Akbayan Citizens’ Action Party.

Si Cristine naman ay dating kasal kay Ali Khatibi at mayroon silang anak na si Amarah. Pagkatapos nilang maghiwalay at tuluyang ma-annul, nagkaroon siya ng relasyon kay Marco Gumabao bago pumasok sa kanyang bagong pag-ibig ngayon kay Gio.

Dumalo na rin ang dalawa sa ilang public events at inilahad ni Cristine na tunay siyang “masayang-masaya” sa estado ng kanyang love life ngayon.

Post a Comment

Previous Post Next Post