Sen. Bato Dela Rosa, Hindi na Raw Ma-contact at Di Matukoy kung Nasa Bansa Pa

Sa ulat ng TV5's Frontline Pilipinas, sinubukan ng mga mamamahayag na makontak ang senador, ngunit hindi na maabot ang anumang linya niya.

READ ALSO: Akbayan Rep. Perci Cendaña Speaks Out on Discriminatory Remarks, Advocates for Stroke Survivors

Binanggit din sa ulat na madali lang dati makakuha ng pahayag mula kay Bato, ngunit sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang kanyang kinaroroonan.

Photo Source: blabberph / Facebook

Matatandaang isinama rin siya sa reklamo ng ICC para sa crimes against humanity, dahil nagsilbi siyang PNP chief noong kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga.

READ ALSO: Chiz Escudero: No Require for Uncommon Session for VP Sara Duterte’s Arraignment Trial

Dagdag pa sa ulat, ang huling beses na nag-online si Bato sa Viber ay noong Linggo, Marso 9.

Ayon naman sa media manager ni Sen. Dela Rosa, hindi sila maglalabas ng anumang pahayag tungkol sa pag-aresto sa dating pangulo.


Tinangka rin ng mga mamamahayag na alamin kung nasa bansa pa si Bato, ngunit hindi ito sinagot ng kanyang staff.

Matatandaang sa mga naunang panayam, sinabi ni Bato na hindi siya magtatago sakaling maglabas ng arrest warrant laban sa kanya ang ICC.


Post a Comment

Previous Post Next Post