Inaresto at pansamantalang ikinulong ang aktor na si Baron Geisler sa Mandaue City, Cebu matapos umano siyang magwala habang lasing noong Sabado.
READ ALSO: Woman Caught with Kush Goes on Rampage and Attacks People at Barangay Hall
Ayon sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, naganap ang insidente sa Barangay Canduman. Ayon sa pulisya, dinala si Geisler sa himpilan ng pulisya dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod na may kaugnayan sa paglalasing at panggugulo sa pampublikong lugar.
Kalaunan, pinalaya rin siya matapos magbayad ng multa.
Sa isang Facebook post nitong Lunes, iginiit ni Geisler na may mga lumabas na maling impormasyon at hindi pagkakaunawaan tungkol sa insidente.
Pinuna rin niya ang ilang news outlets dahil umano sa hindi pagberipika ng mga detalye bago mag-ulat.
“I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly,” ani Geisler.
READ ALSO: Jeraldine at Joshua Blackman, Opisyal nang Naghiwalay
Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, sabay sabing, “Your support means everything.”
إرسال تعليق