Modus:
Ganito ang style niya: Magpapakilala siyang mayaman—kunwari anak ni Vicente Lao, pamangkin ni Bong Go, anak ni Mayor Tata Sala, o kahit sinong prominenteng tao na pwede niyang angkinin. Marami rin daw siyang kakilalang politiko; basta may picture siya kasama ang isang sikat na tao, agad niyang ipagyayabang na kaibigan niya ito.
READ ALSO: 11-anyos na Bata mula Danao City, Cebu, Nangisay Matapos Umanong Magsobra sa Paggamit ng Cellphone
Naghahanap siya ng lalaking mabibiktima gamit ang social media tulad ng Tinder, Facebook, at Instagram. Sa simula, siya pa mismo ang gumagastos para lang mapaniwala ang lalaki na mayaman siya. Magaling siyang magsalita—laging nag-i-Ingles at nag-aastang sosyal. Matapos ang ilang linggo, bigla na lang niyang sasabihin na buntis siya at magpapakita ng pekeng positive pregnancy test.
Para makuha ang simpatiya ng biktima, gagawa siya ng mga kwentong namatay daw ang kanyang magulang o kapatid. Sasabihin pa niyang na-freeze ang kanyang bank account dahil sa mga inheritance issues. Hihingi siya ng pera sa kanyang biktima para raw matulungan siya sa kanyang problema. Ang ending? Ang biktima ang mahihirapan maghanap ng pera at mauuwi sa pagkakautang dahil sa kanya!
READ ALSO: Davao-based influencer Tor Bagtik, binatikos dahil sa mapanirang pahayag tungkol sa mga Lumad
Gumagawa rin siya ng maraming dummy accounts na magpapanggap na mga kapamilya niya—kunwari ang mama o papa niya, si Christian Go na “kapatid” daw niya, si Kevin Castañeda na “pinsan” daw niya, at marami pang iba. Sobrang galing niyang manloko—isasali ka pa niya sa group chat nila para talagang mapaniwala kang totoo ang kanyang mga kwento.
Master siya sa panloloko at pagmanipula ng emosyon. Magda-drama, iiyak, at magpapanggap na may pregnancy complications o kaya’y nagbe-bleeding para mag-alala ang biktima. Hindi lang ang lalaki ang pinap target niya—pati ang mga kaibigan at pamilya nito. Nangungutang siya gamit ang pangalan ng kanyang biktima, kaya sa huli, ang lalaki ang naiipon ng maraming utang, habang siya ay patuloy lang sa kanyang panloloko na parang wala lang!
Marami na siyang nabiktima. Sa taong 2024 pa lang, tatlong lalaki na ang kanyang nadale. Galing siya sa Mati City, lumipat ng Tagum City, at ang pinakahuling biktima niya ay mula sa Panabo City. Karamihan sa kanyang nabiktima ay mula sa Davao City, at dati na rin siyang naminsala sa General Santos. Parang nalibot na niya ang Mindanao kakascam!
READ ALSO: Ang Viral na Tindera ng Pagkain na si Neneng B Nilinaw ang Kahulugan sa Likod ng ‘Ma, Anong Ulam?’
Ang mas malala pa? Parang tinotolerate lang ito ng kanyang pamilya dahil sila rin ang nakikinabang sa perang kinukuha niya sa kanyang mga biktima. Milyon-milyon na ang kanyang na-scam, pero kung titingnan mo, mukha pa rin siyang yagit!
إرسال تعليق