Isang babaeng rider ang nasawi matapos bumangga ang isang motorsiklong minamaneho ng isang walang lisensyang rider sa Solsona, Ilocos Norte.
Photo Source: gmaregionaltv / YouTube
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na naganap ang aksidente matapos lumihis sa linya ng babaeng rider ang nakabangga nitong motorsiklo.
READ ALSO: Babaeng Rider sa Bicol, Nasawi Matapos Sumemplang at Masagasaan ng Truck
Dahil sa lakas ng banggaan, nawasak ang motorsiklo ng babaeng rider, na agad niyang ikinasawi.
Photo Source: gmaregionaltv / YouTube
Sugatan naman ang kanyang angkas, na isang menor de edad, pati na rin ang nakabangga niyang rider. Pareho silang kasalukuyang inoobserbahan sa ospital.
إرسال تعليق