Nahuli ng mga awtoridad sa isang pantalan sa Toledo, Cebu ang isang suspek sa pagnanakaw sa bahay ng isang Korean national sa Lapu-Lapu City noong nakaraang linggo, kung saan tanging brief lang ang suot nito.
Ayon sa ulat ni Guam Logroño ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, nadakip ang suspek habang sumasakay ng barko patungo sana sa Negros.
Nahuli-cam ang suspek sa Barangay Maribago na naka-brief at may suot na facemask habang pasan ang isang vault mula sa bahay ng biktima.
Ayon sa ulat, natangay ng suspek ang vault na sinasabing naglalaman ng P2 milyon. Gayunman, inamin ng suspek ang pagnanakaw ngunit iginiit na P50,000 lamang ang laman nito.
READ ALSO: Iloilo Vlogger, Sinilaban ang Sarili para sa Content at Humihingi ng Tulong sa Gastos sa Ospital
Bukod sa kanya, inaresto rin ng mga awtoridad ang kanyang pinsan na kasama niya matapos itong mahulihan ng baril at mga bala.
إرسال تعليق