CHAVIT SINGSON — Sa wakas ay nagsalita na ang dating gobernador ng Ilocos Sur tungkol sa mga usap-usapang nag-uugnay sa kanya sa Kapuso actress na si Jillian Ward.
Matapos siyang ma-link noon sa aktres na si Yen Santos, ngayon naman ay kumakalat ang tsismis na may espesyal umanong relasyon sila ni Jillian. Ilang blind items at online posts ang tila tumutukoy kay Singson at sa batang aktres, dahilan para maniwala ang ilang netizens na magka-close daw ang dalawa.
Sa isang panayam kamakailan kasama ang ilang miyembro ng entertainment media, diretsahang tinanong si Singson kung totoo ba ang mga balitang ito. Mariin naman niyang itinanggi ang mga tsismis, at pinaalalahanan ang publiko na huwag agad maniniwala sa lahat ng nababasa o naririnig.
“Marites lang ‘yun, Marites lang,” ani Singson. “Naririnig ko rin ‘yan. Marami ngang nali-link sa akin, pero puro Marites lang ‘yun.”
Nang muli siyang tanungin tungkol sa dati namang isyu kay Yen Santos, ngumiti lamang siya at sinabing, “Next question,” sabay tawa. Magalang din niyang hiniling sa mga reporter na huwag nang magtanong tungkol sa mga babaeng nai-uugnay sa kanya.
Samantala, kilala si Chavit Singson bilang dating gobernador ng Ilocos Sur na naging sentro ng pambansang atensyon noong 2001 matapos niyang ibunyag ang jueteng scandal na nauwi sa impeachment ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.
Maliban sa politika, isa rin siyang matagumpay na negosyante at pinuno ng LCS Group of Companies, na may mga negosyo sa konstruksyon, transportasyon, at enerhiya. Kilala rin siya sa kanyang hilig sa luxury cars, at sa pagiging aktibo sa tourism at entertainment projects, kabilang na ang mga Miss Universe Philippines events.
إرسال تعليق