Umani ng matinding atensyon online ang isang VMX actress matapos niyang ibahagi na isang senador umano ang minsang nag-alok sa kanya ng halagang umaabot sa P250,000 hanggang P300,000 bilang “tip,” kahit wala namang naganap na anumang pisikal na ugnayan.
Bea Binene, Vivamax actress na nga ba?
Nabanggit ang pahayag sa isang vlog ng content creator na si Tiyo Bri, kung saan tinanong ang aktres na si Chelsea Ylore tungkol sa mga naging karanasan niya sa pagtanggap ng malaswang alok. Sa kanyang salaysay, ibinahagi niya na isang mambabatas ang nagbigay sa kanya ng naturang alok, ngunit tumanggi siyang pangalanan ito.
“Si senator, tip pa lang, paldo na,” ani Ylore habang pabirong ikinukwento ang umano’y karanasan na aniya’y malaki ang halagang involved.
Bagama’t una siyang nag-atubiling magbigay ng detalye, kalaunan ay nagbigay siya ng ilang pahiwatig tungkol sa pagkakakilanlan ng senador. Ayon sa kanya, ang unang pangalan umano ng mambabatas ay may letrang “R,” habang ang apelyido naman ay may letrang “F.”
Bukod dito, isiniwalat din ni Ylore na may natanggap din siyang hindi kanais-nais na alok mula sa isang alkalde sa bahagi ng Luzon. Gayunman, wala rin siyang ibinigay na anumang clue o detalye tungkol sa identidad ng naturang lokal na opisyal.
.jpg)
إرسال تعليق