Trillanes: Posibleng may ihain na reklamong plunder laban kay VP Sara Duterte ngayong linggo

 

Sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na may posibilidad umanong ihain ngayong linggo ang isang reklamong plunder laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.

Batay sa ulat, kinumpirma kamakailan ng tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na patuloy nilang pinag-aaralan ang posibleng muling paghahain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente. Nauna nang ilang impeachment complaints ang isinampa, subalit idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang mga naturang reklamo.


Dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema, inaprubahan ng Senado ang pag-archive ng impeachment complaint laban kay Vice President Duterte, kung saan 19 na senador ang bumoto pabor dito.

Escudero: Senate Allocates Less Than ₱1M for Sara Duterte Impeachment Trial

Samantala, nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala siyang kinalaman sa isinampang impeachment complaint at iginiit na ang desisyon ng Korte Suprema ay wala umanong kinalaman sa merito ng kaso.

Courtesy: api.time.com

Ayon kay Teddy Casiño, tagapangulo ng BAYAN, masusing pinag-aaralan ng kanilang grupo ang mga naging implikasyon ng desisyon ng Korte Suprema, lalo na’t may mga karagdagang rekisitos na kailangang matugunan bago makapaghain ng impeachment complaint.

“Pinag-aaralan kasi namin ang naging implikasyon ng desisyon ng Supreme Court. Marami silang inilatag na kondisyon kaya mas naging komplikado ang proseso ng paghahain ng impeachment,” pahayag ni Casiño.

Kaugnay nito, ayon sa isang ulat ng News5, sinabi ni dating senador Trillanes na may impormasyon siyang nagsasaad na posibleng magsampa ng reklamo ang isang grupo laban kay Vice President Duterte sa Ombudsman ngayong linggo.

“Ang pagkakaalam ko, may maghahain ng reklamong plunder sa Ombudsman laban kay Sara Duterte ngayong linggo,” ani Trillanes.

Matatandaang una nang nagbigay ng pahayag ang Bise Presidente hinggil sa mga posibleng reklamong inihahain laban sa kanya.

Post a Comment

أحدث أقدم