Naging emosyonal si Cherry White nang aminin niyang buntis siya at malapit nang magkaroon ng pangalawang anak. Masaya siya dahil matagal na niya itong ipinagdasal.
Gayunpaman, sa kabila ng biyayang natanggap niya, tila naulit ang nangyari sa kanya noon kay Mikee. Hindi niya inakala na susukuan siya ni Grey. Ayon kay Cherry, 29 oras na siyang walang tulog dahil hinahanap niya ito, ngunit mukhang hindi na babalik si Grey. Sinabi raw nito na pagod na siya at tuluyan nang nakipaghiwalay.
READ ALSO: Content Creator Ibinahagi ang Nakakakilabot na Engkwentro sa Umano’y ‘Aswang’
Aminado si Cherry na maaaring siya ang may pagkukulang at baka nasakal si Grey sa relasyon nila. Ngunit ayon sa kanya, sana ay naintindihan siya nito, lalo na’t naglilihi siya, madalas nagagalit, at may anxiety pa na hindi niya magamot. Sa kabila ng lahat, pakiramdam niya ay iniwan siya ni Grey sa ere.
Samantala, itinanggi naman ni Grey Crawford na hiwalay na sila ni Cherry White. Nilinaw niyang lumabas lamang siya ng bahay upang magpalamig at makahinga matapos ang kanilang pagtatalo. Aniya, ngayon lang siya napuno, ngunit handa pa rin siyang ayusin ang relasyon nila.
READ ALSO: Bata Nahulog sa C3 Mall sa Pagadian City, Ligtas Matapos ang Insidente
Idiniin ni Grey na hindi siya basta-basta makikipaghiwalay kay Cherry. Wala raw ni isang beses na lumabas sa bibig niya na gusto niyang makipaghiwalay. Sa katunayan, siya pa umano ang nagmamakaawa kay Cherry na huwag siyang iwan dahil mahal na mahal niya ito.
Gayunpaman, labis umano siyang nasaktan sa nangyaring iskandalo dahil agad siyang idinaan sa social media at napahiya kahit wala naman siyang ginawang kasalanan. Ang tanging hiling niya ngayon ay isang public apology mula kay Cherry upang maitama ang sitwasyon.
إرسال تعليق